Wednesday, December 13, 2006

>
Perpek Lab


Kanina nasa-FX ako, sa pinaka likod. Sa harapan ko dalawang matanda, babae at lalaki. Nakayakap yung lalaking matanda sa babaeng matanda. At yung babae naman hawak-hawak ang braso ng lalaki na tila sumisigaw ng, "Never let me go." Yung yakap nila parang pangtin-ejer. Nagulat ako kasi minsan lang ako makakita sa pinas ng mga matandang nagmamahalan na parang wala nang bukas. Buong biyahe ata nakangiti lang ako sa kanila. Gusto ko ganun din kami nang swerteng magiging asawa ko. Ang swit swit nila. Parang Perpek Lab.

No comments: